OO nga naman. Hindi porke't mahal mo ang isang tao ay kaya mo ng ibigay lahat, kaya mong lunuking nag kahiyaan, kaya mong magpakatanga para sa sariling kaligayahan. Kung ayaw na ng mahal mo sayo, bakit kailangna ipagsisiksikan mo pa ang sarili mo sa kanya gayong ikaw ay isang parte na lang ng nakalipas niya.
Minsan mas mabuti pa ngang wag na lang magmahal at magbuhos ng pagmamahal sa isang tao dahil sa kahuli-hulian, magiging biktima ka sa sarili mong gawain. Ang masakit pa nun, darating ang panahon na parang ayaw mo ng mag move on dahil sa punyetang taong nagturo sayo kung paano ang tapat na pagmamahal at tunay na pagmahala.
Katangahan man ang magmahal, kailangan mo pa ding tirhan ang sarili mo ng pride at kahihiyan. Aminin man nating ganito halos ang lahat ng tao pero hindi magandang maging alipin ka ng sarili mo.
Hay naku. Pag ibig nga naman. Hahamakin lahat masunod lamang.
No comments:
Post a Comment