Dalawang magkasintahan ang nangakong hanggang kamatayan ang pagsasama nila. Subalit alam nilang maaring may magbago pa sa mga plano nila ngunit minabuti pa din nilang panahon na lang ang magtakda kung magiging sila nga ba o hindi.
Kagagaling lang sa isang linggong bakasyon ni Mia kasama ang pamilya niya habang si Marco nama’y naging busy sa trabaho at mas piniling magtrabahao habang ang nobya niya’y kasama ang pamilya nag eenjoy. Nami-miss niya si Mia kaya naman nang malanag niyang nakauwi na ito at katatawag lang dahil gustong makipagkita, laking tuwa ang kanyang nadarama. Ang katuwaang iyon ay napalitan din ng biglang katahimikan dahil sinabihan siya na Mia na may sasabihin itong importanteng bagay.
Naguguluhan man, pumunta si Marco sa tagpuan nila. Alas 7:00 ng gabi ng tingnan niya ang kanyang relo. Naaalala niya dito niya unang nakilala si Mia, sa coffee house na ito kung saan dati niyang pinapasukan bilang barista, dalawang taon na ang nakalipas. Ngayon ay mas pinili niyang magtrabaho sa coffee house na pinamana sa kanya ng kanyang yumaong ama.
Tiningnan niya uli ang kanyang relo. Alas 7:15 na at may nakikita siyang paparating na taxi at huminto sa tapat ng coffee house. Mula dito. Nakita niyang lumabas sa pinto ang kanyang nobyang si Mia. Naka kulay itim ito na bestida na hapit na hapit sa kanya at kita ng hubog ng katawan nito. Sa isip na, “ang seksi talaga ng magiging Misis ko”.
Oo. Napagplanuhan niya ng yayain ito na magpakasal sa gabing ito. Handa na siya at ayaw na niya itong pakawalan at gusto na niya itong makasama habang buhay.
Sinalubong niya ng ngiti ang dalaga at nang makalapit na ito ay dinampian niya ng halik sa labi. Napansin niyang malungkot ito kaya tinanong niya ito.
“May problema ba , Mahal?” tanong niya.
Umiling lang ito at nagpakawala ng isang ngiti. Ngiting di mo maintindihan kung may dinadamdam ito o may iniisip na malalim. Hindi ito naging lingid kay Marco kaya minabutin niyang kausapin uli.
“Mahal, alam ko may problema ka. Maari mo naming sabihin sa akin.” Aniya.
“Marco, mahal na mahal kita. Ayokong mawalay sayo. Ikaw lang ang minahal ko ng totoo na kahit hanggang kamatayan ay mamahalin ko.” At sabay tumulo ang mga luha sa mga mata nito. Hindi ito makatinging ng diretso kay Marco.
Dahil sa nakita, tumayo si Marco at lumapit dito. Mula sa likod ay niyakap niya ito ng buong higpit at ng buong pagmamahal. Hindi niya alam anng ibig sabihin ng kanyang kasintahan kaya minabuti niyang pakalamahin muna ito.
Nang medyo naibsan na ang lungkot ng dalaga, ay saka bumalik sa upuan niya si Marco. Kinuha niya ang kamay ng kasintahan at hinawakan niya ito ng buong higpit ng ng buong pagmamahal. Tiningnan niya ang mala-anghel nitong mukha.
’Kahit anong mangyari, ikaw lang ang aking pakamamahalin magpakailanman. Hindi ko hahayaan ang sinuman na nagbabalak na hahadlang sa atin. Ikaw lang ang buhay ko at ikaw lang ang nasa puso ko.” Ang sabi niya dito.
Dahil sa narinig, biglang may tumulong mga luha sa mata ng dalaga.
“Mahal, wag ka ng umiyak. Andito ako. Kung may problema ka pwede mo naming sabihin sa akin. Makikinig ako.” Pagpapakalma pa niya dito.
Hindi pa rin natinag sa pagkakaiyak ang babae bagkus mas lalaong nakikita dito ang kalungkutan at bumabalot dito ang misteryo na ni minsan ay di pa nakita ni Marco sa kasintahan.
Sa isiping dahil baka napagod lang ito dahil sa biyahe, minabuti niyang ayain na itong umuwi para makapagpahinga.
Habang binabaybay nila ang kahabaan ng EDSA, hawak pa rin niya ang kamay ng babae at nang mapagtantong may nakalimutan siyang gawin, binitawan niya muna ito at kinapa ang isang maliit na kahetang kanina pa nagpupumiglas sa bulsa ng amerikana niya.
Ibinigay niya ang kulay pulang kaheta sa babae.
“Ayoko sanang samantalahin ito pero ito ang napagpalanuhan kong gawin sa araw na ito.”.
INihinto niya muna ang sasakyan upang makakuha ng tamanag lakas bago sabihin ang nasa puso at isip niya. Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga.
“Mia Arestorenas, can you be my wife?” mata sa mata niyang kinausap ang dalaga pero naguguluhan pa din siya dahil imbes na matuwa ito ay mas lalong tumulo ang mga luha sa mga mata nito.
“Mia, whats the problem?” niyakap niya ito ng mahigpit upang pakalmahin. Nang mapansing pwede n aitong makausap, bumitiw siya sa pagkakayakap at binalingan uli ang babae.
“May gusto ka bang sabihin? May nais ka bang malaman ko? Tell me Mia? Please…”
“Marco, ayokong saktan kita kasi mas nasasaktan ako. Basta isipin mo lagi, ikaw lang ang minahal ko at ikaw lang ang mamahalin ko kahit hanggang kamatayan.Pero hindi ko matatanggap ang inaalok mo sa akin. Masasaktan ka lang pag malaman mo ang katotohanan.”
Tiningnan niya lang ang nobya at sa di niya maipaliwanag na dahilan, hinalikan niya ito at niyakap ng mahigpit. Niyakap niya ito na tila ba ayaw na niyang pakawalan. Naguguluhan man siya sa mga reaksiyon ng kasintahan pero kailangan niyang intindihin ito. At tumulo ang luha sa kanyang mga mata.
Hindi na siya nagtanong at minabuti niyang ipagmaneho na lang ito hanggang sa bahay nila.
Sa daan, ang katahimikan ay binasag niya sa pamamagitan ng pag bukas ng FM station sa radio.
“Now for the breaking news. Natagpuan na ang bangkay ng pamilyang nadisgrasya ang sinasakyang van sa may kahabaan ng McKinley Road. Napag-alamang isang pamilya ang lulan nito na magbabakasyon sana sa Baguio ng isang linggo. Tinatayang 7 araw bago nakita ang mga bangkay ng mag-anak at nakilala itong ang pamilya Arestorenas…
Hindi makapaniwala si Marco sa narinig. Nilingon niya si Mia at tumingin ito sa kanya na puno ng lunkgot sa mata. Luhaan ito at nagsalita.
“Patawarin mo ako Marco. Kaya hindi ko matanggap ang alok mo. Mahal na mahal na mahal kita. Ikaw lang ang nakapagpaligaya sa akin ng ganito at ayokong makita kang nasasaktan.”
At niyakap siya nito ng mahigpit. Saka niya naintindihan ang lahat.
Burikso
11/02/2010
2:30PM