Marami man ang nagsabing baduy ang kantang to pero dati pa TAGOS na TAGOS sa puso ko to. Ewan, nakakarelate ako sa song na to. Kasi di ba pag nagmahal ka, minsan ikaw lang ang nagmamahal pero yung mahal mo amy iabng mahal tapos magpapakamartyr ka na lang dahil lagi mong iniisip kaligayahan mo. Kahit umabot na sa puntong ipilit mo ang sarili sa katotohanang hindi pwedeng mangyari, at kahit super sakit na ang lahat di ka pa rin sumusuko. Manhid na manhid na ang puso mo sa salitang "maghanap ka na lang ng iba"/
Aminin na nating lahat tayo dumaan sa stage na to pero wala pa akong nakitang pursigido na nabiyayaan talaga. Kasi mahirap isiping ikaw lang ang nagmahal at sa balang araw biglang mahuhulog din ang loob sa yo ng taong gusto mo. Ano ka, second choice lang? Ang pangit.
Laging may tanong sa isip ko
Kung ako ay bagay ba sa'yo
Bakit gano'n lagi kang ala-ala ko
Nalalaman ko na di ako
Ang tinitibok ng puso mo
Ngunit umaasa na mapapansin mo
Kahit di mo pansin maghihintay sa'yo
Kahit mayr'ong iba ngayon sa puso mo
Laging naririto ako at patuloy na magmamahal
Ganyan ang damdamin para sa'yo
Di mo man kita sa kilos ko
Pagtingin na para lang sa'yo
Kailan mo ba madarama sa puso mo
Alam kong siya'y higit sa tulad ko
Kaya't sa kanya ang damdamin mo
Ngunit bakit ikaw ang laging hanap ko
Kahit di mo pansin maghihintay sa'yo
Kahit mayr'ong iba ngayon sa puso mo
Laging naririto ako at patuloy na magmamahal
Ganyan ang damdamin para sa'yo
Sana'y malaman mo
Walang iba na iibigin ang puso kong ito
Kahit di mo pansin maghihintay sa'yo
Kahit mayr'ong iba ngayon sa puso mo
Laging naririto ako at patuloy na magmamahal
Ganyan ang damdamin para sa'yo
Laging naririto ako at patuloy na magmamahal
Ganyan ang damdamin para sa'yo...
Kung ako ay bagay ba sa'yo
Bakit gano'n lagi kang ala-ala ko
Nalalaman ko na di ako
Ang tinitibok ng puso mo
Ngunit umaasa na mapapansin mo
Kahit di mo pansin maghihintay sa'yo
Kahit mayr'ong iba ngayon sa puso mo
Laging naririto ako at patuloy na magmamahal
Ganyan ang damdamin para sa'yo
Di mo man kita sa kilos ko
Pagtingin na para lang sa'yo
Kailan mo ba madarama sa puso mo
Alam kong siya'y higit sa tulad ko
Kaya't sa kanya ang damdamin mo
Ngunit bakit ikaw ang laging hanap ko
Kahit di mo pansin maghihintay sa'yo
Kahit mayr'ong iba ngayon sa puso mo
Laging naririto ako at patuloy na magmamahal
Ganyan ang damdamin para sa'yo
Sana'y malaman mo
Walang iba na iibigin ang puso kong ito
Kahit di mo pansin maghihintay sa'yo
Kahit mayr'ong iba ngayon sa puso mo
Laging naririto ako at patuloy na magmamahal
Ganyan ang damdamin para sa'yo
Laging naririto ako at patuloy na magmamahal
Ganyan ang damdamin para sa'yo...
Hay naku. Kung pipiliin mong magpakamartyr, sana isipin mo muna ang bukas. Hindi lahat ng gusto natin sa mundong ito ay nakukuha natin kahit pa pagluksaan natin ito ng maraming gabi o pag isipan ng maraming taon. ANg pag-ibig kasi, sa katotohan, ay SELFISH.
No comments:
Post a Comment