read ons..

free counters

Thursday, November 18, 2010

akala niyo lang yan.. pero may KAHIHIYAN din ako.


May mga bagay na nakakatuwa, nakakakatawa at pampalipas ng pagod after the days work. May mga bagay na dapat nilalagay sa tamang lugar at may mga lugar na dapat nating pag-isipan munang maigi ang gagawin bago bago natin gawin. May mga bagay na dapat isaalang alang muna ang kalalabasan bago ipamulat sa iba ang gusto mong mangyari.

This has just been one of those humiliating days in my life. Di ko man pinaramdam at di ko man pinakita sa karamihan pero and araw na ito ay isa sa mga kinasusuklaman kong araw sa tanang buhay ko. Sino lang ba naman ako? Isang hamak na indibidwal sa mundong ito. Isang taong walang hinangad kundi ang magpakasaya at mabuhay ng alam kong tama ako.

Living a life has always been a big deal for me co’z I always wanted to please everybody kahit alam kong minsan I’m throwing words below the belt or harsh word na hindi dapat. But that’s how everybody lives. May kanya kanyang diskarte sa buhay. Makasalanan din ako but the mere fact na alam ko ang limitations ko, I STICK WITH IT!

Isa lang ang alam ko sa buhay at habang nabubuhay ako hindi ko kakalimutan ang pinaninindigan kong paniniwala. Hindi ako pinanganak para kantiyawan, ipahiya, pagtawanan, apakan ang pagkatao, utusan at lumaban ng patas sa mga taong gagawa sa akin ng ito. 

Kung sa tingin MO katawa-tawa ako, oo alam ko yun. Kung sa tingin mo mapapatawa kita, kaya ko yun. At kung sa tingin mo alipin mo ako, ISIPIN mo muna paano ka naging alipin ng iba. Dahil ang bawat gagawin mo sa akin alam kong nagawa na ng iba sayo co’z tulad ko pathetic ka. Your pathetic co’z you are just trying to revenge from the humiliation you you get nung ginawa ng iba to sa iyo. Kaya nga sabi, kung sino ang biktima siya pa ang pinagpapala.

Sa araw na ito, hindi ko makalimutan ang ipahiya ako sa karamihan, ang utusan ako at pagtawanan at ang pagiging tahimik ko at pagkimkim ng sakit na dulot ng kahihiyang dulot ng araw na ito. Needless if you are my friend or not, needless if we are close or not, needless if you know your limitations or not, the truth remains the same, NANGYARI NA ANG LAHAT. Kumbaga, sadsad na sadsad na ako sa putik sa kahihiyan pero mas pinili ko pa rin ang di magsalita at makitawa dahil alam ko ang salitang “PAKIKISAMA”.

Sa lugar kung saan lahat ng tao ay nagkakaisa, masaya, nagtutulungan it always follow na everything is okay between these people. Kahit magmurahan pa kayo, kahit magbastusan pa kayo o kahit magsigawan pa kayo basta’t alam niyo na ang lahat ay hanggang salita lamang, ang mga nakita at narinig ay mananatiling sa loob lamang, ang lahat ay walang problema. Ganyan ang paligid na kinaroroonan ko ngayon. Ngunit, tila sa isang ihip ng hangin, binago nito ang pananaw ko sa salitang PAKIKISAMA. Mas lalong nag kainteres ako na alamin kung ano nga ba ang kahulugan nito dahil sa araw din lang na ito hindi ko naramdaman ang pakikisama at paglagay ng limitasyon.

Nauutusan ako. Napapakiusapan. Hindi ako madamot para di ko ipagyabang ang pagiging mabait ko. Hindi ko nililimitahan ang mga taong nais huingi ng tulong at lalong handa akong tumulong pag kailangan mo ako. Isa lang ang ayaw ko sa gagawin mo, PAG PINAHIYA MO AKO!

Kung papipiliin ka mas gusto mo pang magtahi ka na lang ng cross stitch sa corner ng bahay mo kesa samahan ang asong ipasyal sa kalsada na hindi naman sayo at sa isang kapitbahay mo lang. Mas pipiliin mo pang tumahimik ka na lang kesa magsalita at di ka naman napapakinggan. Mas pipiliin mo pang samahan ang isang bagong kaibigan kesa isang imbitasyon ng dating kaibigan dahil alam mong wala ka naming silbi dun.

Kung ikaw nasa kalagayan ko (oo ikaw!), anong magiging reaksiyon mo sa ginawa mo sa akin? Tatawa? Makikitawa? Magpapatawa? Ayaw mo nun di ba? Saang parte ng isip mo kaya nakuha ang ideyang GAGUHIN ako ng ganun na lang? Gaano ba kalaki ang utak mo para manglamang sa isang katulad ko? Sino ka ba? Kilala ba kita? Kilala mo ba ako? Hindi di ba?

Kung sa tingin mo napatawa mo ang karamihan, nagtagumpay ka sa adhikain mong magpatawa. Ngunit kung nag isip ka ng tama at nakiusap ng tama, may tao kayang masasaktan at mag-aalburuto ang kalooban?

I am not the type of person na akala mo makukuha mo ng ganun-ganun na lang. Kung tutuusin, sa inasal mong yun, mas edukado pa pala ako sayo. Utang na loob, kilalanin mo muna ang mga nakakasalamuha mo sa bawat araw dahil hindi lahat ng nakikita mong mukhang tanga ay tanga. Hindi lahat ng nakikita mong mukhang gago ay gago. At lalong hindi lahat ng nakikilala mo ay makikilala mo ng mabuti.

It was a pretty tough day to decide pero siguro nga BLESSING in DISGUISE. At least I have the reason for all my decisions.

Kung sino man ang mga natamaan sa prosang ito, pasensiya na. Alam ko masasaktan din kayo pag sa inyo nangyari iyon pero gusto ko lang iparating sa inyo, alam natin kung ano ang limitasyon natin. Sa loob ng playground natin tayo tayo lang ang naglalaro, tayo tayo ang nagmumurahan, tayo tayo ang nagbabastusan pero sa loob ng playground natin tayo lang ang nandun at walang sinuman ang makakaapak dun kaya masaya tayo. Sana isipin natin ang playground natin ay ATIN. Kung may makikilaro man, wag nating hayaan ipahiya ang kalaro natin dahil at the end of the day, sila pa rin makakalaro natin na sinaktan natin para makipaglaro sa mga bagong kaibigan.

No comments: