read ons..

free counters

Thursday, August 5, 2010

ANONG KAGULUHAN ITO?!

 Babala: para sa mga Pilipinong inosente, nagpapakainosente and walang pakialam sa mundo eto ang bagay sa inyo..Lahat tayo may karapatan para sa kalayaan ng pamamahayag. Nag bawat nakikita niyong nakikita sa ating Gobyerno ay karapat dapat na ilathala at ipamalita para magsilbing pangbukas ng diwa ng bawat nilalang. Wag po tayong magbubulag bulagan. Ang kaganapan sa ating mundo ay laganap na. Kung di tayo iimik para lang tayong mga tutang naghihintay na pagsilbihan ng pagkain ng ating amo. Ikaw handa ka na bang maki-isa?
 
Kelangan ba talagang may pagbabago na di man lang dumaan sa tamang proseso? Anong kaguluhan ito? Bakit naging santa ang mga taong wala namang nagwang maganda? anong kwalipikasyon ba ang dapat na meron ka para ikaw ay magin isang santa o santo?

Hay naku. Ang mga pinoy talaga "crab mental" tulad ko. Paano ba naman hindi. sa dinami dami ng pwedeng mangyari bakit si ALing Luding pa ang naging pambansang labandera eh pwede namang ang nanay ko. Mas malupit naman ang nagagawa ng nanay ko kesa kay Aling Luding. Puro hangin nga lang yang si ALing Luding. Na kesyo ganito kesyo ganyan. Bakit? Alam niya yata ang lahat ng pangyayari sa buong mundo eh bakit di na lang siya nag paka propeta.

Teka teka teka lang ha. ang pagbabago bang ito ay may mga basehan at may mga pinupunang pangangailangan bago maging super labandera si Luding? dumaan ba ito sa matindi at scrutinized way para siya ang piliin? well, si Aling Lucia, Si Aling Serafina pwede pa kasi hindi naman sila naging braggy sa mga nagwa nila. pero si ALing Luding, bakit? anong karapatan niya para magpakabayani? Wala. Nada. Zero. Witchikels.

Hay naku, pwede ko bang sabunutan ang presidente at murahin ng bonggang bongga? ikaw ba naman kasi pumili ng gabinete mo, mas pipiliin mo ba ang mahangin at puro salita o dun ka na lang sa puro gwa at mabuti pa ang performance. My God and your God.

Eto pa. Si Kumpareng Lasing, anong karapatan niyang mamuno sa sandatahang lakas eh puro tulog lang pinagaatupag niyan eh. NI wala yang matinong ginawa kundi ang magpakabayani din tulad ni Aling Luding. Teka teka teka.. Mukhan si Pangulong Presidente ata may pakana nito. Si Kumpareng Lasing ba ay pumasa sa matatalas na pananalita ng Hari ng Europa? Hay naku naman.

Hindi naman sa nagiging crab mental ako pero tingnan niyo nga palgid niyo. Ano ang karapatan ng mga nagmamaganda na tumayo sa harapan ng maraming tao pero sa kabila ng lahat puro kapalpakan din naman ang naipakita sa karamihan..

Tabi tabi nga kayo para di kayo maduraan.

Pwee.

2 comments:

gelay said...

isang malaking kaguluhan at hindi ako mananahimik lang sa tabi. hindi deserving si aling luding dahil wala syang kakayahan. hindi ako crab mental. totoo lang. tse!

Dosan Hirohata said...

isang malaking Pak na pak para jan!!

kung hindi naman siguro pagiging crab mental ginawa natin GElay kasi alam natin na Luding and si Kumpare are not deserving.. there are way better people we can count on when it comes to responsibilities as such.